



| “ Tanging Interes Ng Seaman Lang Ang Mananahan.” Ito ang mga katagang isinasakatuparan sa Bahay Ng Marino. Bilang pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga OFW partikular sa mga Marinong Pilipino; para sa kanilang natatanging angking galing, talino at dedikasyon sa kanilang propesyon. Ang Marinong Pilipino ay tinuturing na mga Bagong Bayani ng Bayan, kaya’t sila ang patnugot at pinagmumulan ng aming inspirasyon. Ang Bahay Ng Marino ay tumutugon sa mabilisan at agarang matitirhan ng ating mga mandaragat. Marami sa kanila ay buhat pa sa malalayong lugar na madalas dumayo sa Maynila upang makipagsapalarang makahanap ng trabaho sa mga ahensiya na karamihan ay naka-base sa Luneta. Kung saan dito sa Maynila; sila’y nagtatagal ng pamamalagi sa pag-aayos ng papeles, training, medical at iba pa. Itinatag noong ika- 16 ng Hulyo, 2007 ang Bahay Ng Marino ay nagsisilbing ikalawang tahanan ng ating mandaragat. Dito nahanap nila ang kapanatagan dahil walang ibang sektor na nakahalo sa kanilang hanay. Iisa lang ang bawat hangarin, saloobin, iisang propesiyon at iisang damdamin. Ang Bahay Ng Marino ay maglilingkod at magbibigay ng kaginhawahan sa mura at abot kayang halaga. Isang maayos, malinis at disenteng matitirhan ang aming handog kapalit ng kanilang bawat pagpupunyagi. Muli, MABUHAY ANG MARINONG PILIPINO! |
24/7 Accommodation. Fully Air-Conditioned Dormitory, No Cut-Offs on Reservations and No-Curfew. Bahay Ng Marino 24/7 Hotline 536-2501. Free Shuttle Service from Luneta Seafarer Center to Bahay Ng Marino & Vice Versa. Free Breakfast and Purified Drinking Water. Free Cell phone and Laptop Charging. Free Internet Connection (Wi-Fi Zone). Free Personal Locker & Luggage Room Use. Free Recreational Facilities Such As Gym Equipments, Cable Televisions, DVD Players, Dart Boards, Chess, Newspaper, Maritime Magazine Etc. Free Parking Space . Telephone, Strong Water, Cleanest Facilities. Quiet and Decent Dormitory….Ideal for Reviewers And Trainees. |